Thursday, September 15, 2016

EMPANADA DE KALISKIS 

NG MALOLOS


 Bisitahin ang bayan ng Malolos para matikman ang ipinagmamalaking EMPANADA DE KALISKIS ng Malolos Bulacan. 

 Si Alberta Uitangcoy ang gumawa ng pagkain na ito at ito ay itinuturo niya sa mga makababayan niya at siya rin ang leader ng Kababainhan ng malolos. 

Pitong taong gulang palang nung matuto gumawa ng Empanada de kaliskis si Aling Mercy Antonio ayon sa kanya "Panahon pa ng hapon" ay gumagawa na ng Empada de kaliskis ang kanyang lola sa tuhod. Hanggang ngayon ay pinag papatuloy parin nila ng kanyang pinsan na si Aling Tessie Luriaga ang pag luluto at pag gawa nito. 

Ang Empada de kaliskis ay may sahog na ginisang manok at pataas. Hinuhulma ito gamit ang dahon ng saging tska ito ipipirito. Kaya ito ay tinawag na Empanada de kaliskis dahil sa itsura nitong mukang kaliskis ng isa. Pag sinabing empanada ang unang pumapasok sa isip ko ay ang lasa nitong medyo maalat, may ibat ibang gulay sa loob na kasama at baboy ang karne. Pero ang kakaiba dito sa Empanada de kaliskis ay malalasahan mo ang patatas at ang karne ng manok sa loob nito at ang kanyang manamis namis na lasa nito at ang malutong na balat dahil sa pag kakaluto nito. Kakaiba talaga ang empanadang ito.

Kung gusto niyo itong matikman ang EMPANADA DE KALISKIS ay mag punta lamang sa Tengco St. City of Malolos Bulacan o tumawag sa 09164364835

No comments:

Post a Comment